“Tigre ka lang, a tapang a pusa ako 😾💪

Good vibes ang naging hatid ng post ni Nicole Galleta, 22, mula sa Valenzuela City, tampok ang kaniyang fur baby cat na “palaban” umano sa isang tigre sa Malabon Zoo na binisita nila kamakailan.

“Malaki ka lang pero atapang ah pusa ata tu ,” kwelang saad ni Galleta sa kaniyang post sa Facebook group na CAT LOVERS PHILIPPINES, na umani na ng mahigit 5,900 reactions at 539 shares.

Makikita rin sa naturang post ang larawan ng pagkarga niya kay Willow, ang kaniyang 2-year old cat, habang tila nayayamot sa tigreng lumapit sa kanila.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Galleta na isinama niya si Willow sa Malabon Zoo noong Sabado, Setyembre 30, bilang advance celebration umano ng World Animals Day.

Sa kanilang paglilibot ay naaliw daw siya nang hindi natakot si Willow kahit lapitan pa sila ng isang tigre doon.

“It wasn’t his first time there kasi naka join din kami last year. Hindi siya natakot, more of nagalit pa siya kasi parang gusto siyang kalaruin nung white bengal tiger 😹,” ani Galleta.

Kuwento ni Galleta, tila likas daw na “gala” ang kaniyang fur baby dahil makikita umano ang pagkawili nito kapag dinadala niya sa mall.

“Unlike other cats, talagang gala siya. After vaccination triny ko siyang ilabas within our vicinity lang muna to check if he’s okay with going out. I noticed na ‘yung mukha niya is sobrang curious and he wasn’t scared at all with vehicle noises. From there, gumagala na kami sa SM almost every weekend. Suhol niya rin ‘yun kasi may usapan kami na kapag nag-behave siya sa pagligo, pupunta siyang SM 😹,” kuwento niya.

Nang makagawian na raw ni Galleta na ipasyal si Willow sa mall, doon daw nila nadiskubre ang iba’t ibang pet events na pwede rin nilang daluhan.

“Nagpunta kami, nagustuhan, and from there on talagang lagi na kaming laman ng mga pet events. Marami rin natutuwa sa kainya, halos siya lang ‘yung pusa sa mga events and hindi siya takot sa big crowds,” ani Galleta.

“To add, as a cat he’s very outspoken whether with voice or his actions ipapaalam niya sayo kung ano ‘yung gusto at ayaw niya. And kapag napipilitan siya, he’ll show his very grumpy face 😾😹,” saad pa niya.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!