Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang ginawang pagpapakilala ni Yasser Marta sa co-host ng "Eat Bulaga" na si Arra San Agustin bilang "Noontime Show Goddess."

Kabago-bago lang daw ni Arra sa hosting sa noontime, ang taas na raw kasi ng titulong ibinansag dito, ayon sa isang ulat.

Marami ang kumuwestyon sa titulo, dahil kung tutuusin daw, mas deserve sa bansag na ito si "It's Showtime" host Anne Curtis na tinatawag na "Dyosa" ng showbiz.

Narito ang ilan sa mga hanash at talak ng netizens na tila hindi sang-ayon dito:

National

France Castro, ipagbabawal confidential funds kapag naupo sa senado

"wag feeling kakastart palng niya..Noon Time Show Goddess na agad..😂😂😂😂😂.. nkakahiya nmn sa Diyosa Anne Curtis"

"Anne curtis po bagay ang title na yan"

"si Anne Curtis agad naisip ko sa Noontime Show Goddess"

"Kase nman kaka start lang meganun agad! Anne Curtis ang noontime show goddess!"

"C Anne Curtis ang dapat tawaging goddess Nung noontime show."

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ng kaniyang fans si Arra dahil masyado naman sineryoso ng mga netizen ang bansag. Kung titingnan daw ay talaga namang mala-dyosa rin naman kasi ang kagandahan ni Arra.

"Walang basagan ng trip!"

"Maganda and magaling naman siya!"

"Gorgeous bagay... goddess kase pang malakasan nayan..pasabog ang awra...."

"Ok lang yan. .eh ano kung goddess na rin cya.."

"true naman talaga na Goddes si arra san agustin, kisa sa basher"

"Uy magaling siya in fairness."

Napansin ang husay ni Arra sa hosting sa opening ceremony ng Season 99 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) noong nagdaang linggo sa SM MOA Arena.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo nina Arra o ni Anne tungkol dito.