Ibinahagi ni “King of the Teleserye Theme Songs” Erik Santos ang kaniyang pinakapaborito sa lahat ng nagawa niyang duet nang kapanayamin siya ni Luis Manzano sa vlog nito kamakailan.

Ayon kay Erik, ang collab niya umano kay “Asia’s Songbird” Regine Velasquez-Alcasid ang pinakanagpakilig sa kaniya nang sobra.

“Iba ‘yung level. Iba ‘yung excitement na naramdaman ko. Tapos, ‘yung excitement ko nakisabay ‘yung fans ni Ate Regz,” sabi ni Erik.

Dagdag pa ni Erik, isa umano si Regine sa tinitingala ng lahat lalo na sa mga gaya niyang nagsimula bilang mga kontesero at kontesera. Sa katunayan, si Regine umano ang patron ng mga singing contest.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“At napansin ko kay Ms. Regz,” singit naman ni Luis, “sa tagal kong kasama siya sa ASAP, hindi siya maramot. Very, very, generous si Ms. Regz.”

Matatandaang isa si Regine sa mga pinasalamatan ni Erik sa kaniyang pagdiriwang ng 20th anniversary sa showbiz industry na ginanap sa “ASAP Natin ‘To” kamakailan.

MAKI-BALITA: Erik Santos, emosyunal sa kaniyang 20th anniversary sa showbiz