Marami ang natutuwa para sa batikang character actress na si Susan Africa dahil sa isang iglap lamang ay naging "memable" na siya at marami tuloy ang abangers sa "biglang-yaman" role niya sa hit action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na pinangungunahan at idinidirehe ni Coco Martin.

Kamakailan lamang ay trending si Susan dahil sa memes tungkol sa kaniyang "nakaahon-ahon" na karakter sa "FPJ's Batang Quiapo." Nag-level up na raw kasi si Susan dahil malayo na sa karaniwang roles niyang sakiting nanay o kasambahay ang kaniyang gagampanan.

Nakorner ng press people ang beteranang aktres sa naganap na pagbabalik ng "The ABS-CBN Ball 2023" na ginanap nitong Setyembre 30 sa Makati Shangri-la Hotel sa Makati City.

Sa video at ulat ng ABS-CBN News kay Susan, nausisa ang aktres kung ano ang pakiramdam niya, "Excited na kinakabahan. Happy, invited ako sa wakas!"

National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Nagbigay rin ng reaksiyon si Susan sa mga kumalat na memes tungkol sa kaniya. Aniya, masaya siya at nakapagpasaya siya ng maraming tao, dahil hindi naman daw siya na-offend dito.

Marami naman daw siyang nagampanang "mayamang" roles subalit siguro daw ay tumatak sa mga manonood ang role niya sa soap operang "Mara Clara."

Forever grateful din si Susan sa ABS-CBN dahil ilang dekada na rin siyang nagtatrabaho rito at in fairness nga ay hindi siya nababakante.

Simula kasi sa "Kadenang Ginto," napasama siya sa "Dirty Linen," at siyempre ay kabilang pa rin siya sa Batang Quiapo.

Natanong din si Susan kung nami-miss na ba niya ang pagiging beauty queen at modelling.

Para sa mga hindi nakakaalam, bago mag-artista ay dating beauty queen si Susan. Siya lang naman ay first-runner up ng Binibining Pilipinas noong 1980, at ang title holder nito ay ang namayapang aktres na si Chat Silayan.

"Yes of course, I do! I miss my modelling days! I miss the ramp, I miss wearing beautiful clothes from wonderful designers. I miss that... pero... time flies and nasa ibang world na ako ngayon," sagot ng aktres.

Batay naman sa komento ng netizens, agree sila na napakaganda nga ni Susan at sana ay mas mabigyan pa siya ng markadong break.

"You're not being laughed at; your characters just stick in people's minds. It means you're an excellent actress. It's a compliment, and people are happy to see you in a different role."

"I like her, she's not just a great artist, makikita mo talaga ang pagka-pure and humbleness n'ya bilang isang tao."

"Napakaganda ni tita Susan.. Classy very soft spoken."

"Very articulate siya and classy magsalita, for sure bagay sa kaniya ang mayaman roles. More mayaman or donya roles for Susan!"

Samantala, ibinahagi ni Susan sa kaniyang Instagram post ang kaniyang mga larawan sa naganap na ball.

Marami pa raw dapat abangan sa kaniyang role sa Batang Quiapo lalo't inaabangan na ang kanilang biglang yaman.

MAKI-BALITA: ‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

MAKI-BALITA: Susan Africa ‘nakaahon-ahon’ na raw sa api-apihan roles