Nakapanayam ng co-hosts na sina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio program na "Cristy Ferminute" ang batikang broadcast journalist na si Ces Oreña-Drilon, tungkol sa nag-trend at pinag-usapang milk tea brand commercial niya, na nagtaguri sa kaniyang "Stress Drilon."

"Kuwela siya eh," sey ni Ces.

Sabi pa ng mamamahayag, aprub daw sa manager niya ang commercial kaya napa-oo na rin siya.

Reaksiyon naman ni Cristy, refreshing daw sa mata na makita ang kabilang side ni Ces, na tumatak at nakilala nga bilang matapang na journo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa panig naman daw ni Ces, wala siyang pagdadalawang-isip na tinanggap niya ang proyekto.

Ipinakita lang naman daw ni Ces ang mga karaniwang nangyayari sa buhay ng isang commuter, kaya palagay niya ay pumatok sa masa.

Pagdating naman daw sa love life niya ay masasabi niyang "zero" ito. Ang nagpapasaya sa kaniya ngayon ay mga anak at mga alagang aso.

Pagdating naman sa "Stress Drilon," aware si Ces na matagal na itong nag-eexist dahil sa pagkauso ng mga "beki lingo" ngunit ngayong 2023, natutuwa siya dahil naging relevant ulit ito dahil sa kaniyang commercial.

Kaya naman palaisipan sa mga netizen, kung nasimulan na raw ni Ces na ipakita ang kaniyang acting skills, magtuloy-tuloy na kaya ito at tuluyang pasukin ang pag-arte sa isang teleserye o pelikula? O may mga nakalinya pa siyang commercial?

MAKI-BALITA: New era ni Ces? ‘Stress Drilon’ kinaaliwan ng celebs, netizens

MAKI-BALITA: Gardo Versoza, Carmi Martin next! ‘Stress Drilon’ aprub sa mga ‘accla’