Lumakas pa at isa nang ganap na severe tropical storm ang bagyong Jenny, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Oktubre 1.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Jenny 790 kilometro ang layo sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, na may lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong 115 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, nagpapakita ang kasalukuyang scenario na posibleng magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals sa Extreme Northern Luzon ngayong Linggo ng tanghali o gabi.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Samantala, patuloy umanong palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat, na posible namang magdala ng mga pag-ulan sa western portions ng Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa susunod na tatlong araw.

Inihayag din ng PAGASA na posible pang lumakas at itaas sa typhoon category ang bagyo bukas, Lunes, Oktubre 2.