Dumating na sa bansa nitong Biyernes ang warship ng Canadian Navy upang sumali sa tropa ng Pilipinas at United States sa isasagawang military drills na magsisimula sa susunod na buwan.
Kabilang sa sakay ng Canadian Navy frigate HMCS Vancouver ang commanding officer nito na si Commander Meghan Coates na nagsabing ito pa lamang ang unang pagkakataong sumali sila sa Exercise 'Samasama' sa Oktubre 2-13.
National
Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin
“Vancouver's participation in ‘Samasama’ is to promote regional security cooperation, maintain and strengthen maritime partnerships, and enhance maritime interoperability,” paliwanag ni Coates sa press conference na isinagawa sa nasabing warship. “We are honored by the opportunity to participate in this complex exercise, highlighting the collaboration between like-minded partners, training and real-world environments," pahayag pa ng opisyal. Layunin ng bilateral exercise na mapalakas pa ang warfare capability ng Philippine Navy para sa kanilang maritime security operations.