Sumalang ang dalawang komedyanteng sina Uldario Molina, Jr. o mas kilalang “Negi” at Vincent Aycocho na mas kilala naman bilang “Petite” sa “Iskovery Night” nitong Biyernes, Setyembre 29.

Isa sa mga naibahagi sa nasabing show ay nang unang makita ni Petite si dating Manila Mayor Isko Moreno.

“Na-starstruck talaga ako. Kasi, Diyos ko, siguro isa ka sa kadahilanan kung bakit ako bakla,” pag-amin ni Petite.

Natawa naman si Isko sa sinabi ng komedyante.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa ni Petite, noong high school umano siya, lagi siyang walang pera dahil tuwing weekend, bumibili siya ng “Chika Chika Magazine” kung saan laging centerfold si Isko habang stripe na trunk lang ang suot .

“Tapos, after 2 weeks, di ko na siya [Chika Chika Magazine] mabuklat,” kuwento pa ni Petite.

Napatanong tuloy si Negi: “Bakit?”

“Dikit-dikit na.”

At dito na tuluyang sumabog ang tawa ni Isko.

Inamin din ni Petite na ilang beses daw siyang nahuli sa akto ng kaniyang nanay habang nagsasarili.

“Noong nahuli ako, ano ‘yan? Sabi ko, ano, nagsasarili. Sabi niya, kesa mag-drugs.”

Sina Negi at Petite ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Vice Ganda sa showbiz industry gaya nina MC at Lassy.

MAKI-BALITA: Vice Ganda feeling may-ari ng comedy bar dati, sey nina MC at Lassy