Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Jenny habang kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado ng gabi, Setyembre 30.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Jenny 915 kilometro ang layo sa silangan ng Central Luzon, na may lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay walang direktang epekto ang Tropical Storm Jenny sa bansa. Gayunpaman, dahil umano sa proximity ng track forecast sa Extreme Northern Luzon, maaaring magkaroon ng mga pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands at sa northern portions ng mainland Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte pagsapit ng Miyerkules, Oktubre 4, o ng Huwebes, Oktubre 5.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Posible rin umanong palakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat, na magreresulta sa posibleng mga pag-ulan sa Palawan at Occidental Mindoro sa mga susunod na tatlong araw.

Inaasahan namang patuloy na lalakas ang bagyong Jenny at maaari umano itong umabot sa severe tropical storm category bukas, Linggo, Oktubre 1. Dagdag pa rito, maaari rin umano itong itaas sa typhoon category pagsapit ng Lunes ng gabi, Oktubre 2, o sa Martes, Oktubre 3.