Kinabahan ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto nang hindi makapagtimpi ang malapit na kaibigang si Erik Santos, nang sitahin sila ng isang dayuhang manager ng isang restaurant dahil sa maingay nilang pag-vlog, at pagdadala ng sariling kanin at lutuan ng una sa loob ng establishment.

Sa isinagawang "Date or Pass" vlog ni Angge kay Erik, makailang ulit na pumasok ang resto manager para sitahin si Angge, dahil una raw ay maingay siya, pangalawa ay pagdadala ng sariling kanin na nakalagay pa sa rice cooker, at pangatlo naman ay pagdadala ng sariling lutuan upang initin ang biniling pagkain.

Makikitang tila nag-init ang ulo ni Erik dahil sa paraan umano ng paninita ng resto manager kay Angge. Katwiran ni Erik, puwede naman silang sitahin sa maayos na paraan.

Nagbanta pa ang resto manager na papaalisin sila nito kapag nagpatuloy pa sila.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Hindi nagustuhan ng Kapamilya singer ang pagtaas ng boses ng resto manager kaya inaya niya si Angeline na umalis na lang.

"You don't have to yell. You don't have to yell at us," saad ni Erik.

"You can say it in a nice way!" dagdag pa ni Erik.

Patuloy pang nagpaliwanag ang resto manager.

"Yeah but you don't have to raise your voice. You are not nice at all..."

Tumayo na si Erik upang umalis at sinabihan niya si Angeline na tapusin na lamang nila sa ibang lugar ang vlog.

Dito na ibinuking ni Angeline na ang lahat ay prank lamang!

Lumapit ang resto manager kuno na nagngangalang "Ali" at niyakap si Erik Santos. Bukod dito, kinuntyaba rin ni Angge ang dalawang crew ng restaurant upang mas maging kapani-paniwala pa ang prank.

Kaagad na niyakap ni Angge si Erik na natawa na lang din at hindi nakapagsalita.

"Alam mo... ayoko kasing ginaganun ka!" natatawang sabi ni Erik sa kaibigan.

Nag-sorry naman sa isa't isa sina Erik at Ali na nagyakapan na lamang sa dulo.

"Kinakabahan na 'ko kanina pa, parang sasapakin na ni Erik Santos yung manager," ani Angge.

"Pero nakita n'yo kung gaano ang concern sa akin ni Erik 'di ba?"

Hindi rin daw inexpect ni Angge ang naging response ni Erik sa sitwasyon.

"Alam mo Ge, hindi ako madaling magalit. Pero pag feeling ko dini-disrespect ka, medyo nati-trigger ako, haha," ani Erik.

Paglilinaw naman ni Angeline sa subscribers niya, "Gano'n lang talaga si Erik ipinaglalaban lang niya ang respeto sa kapwa.