SAN JOSE, Dinagat Islands - Makatutulong ang maayos na internet connections para sa agarang paghahatid ng pagkain, mga gamit at pangunahing pangangailangan sa mga isolated area sa bansa.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasunod ng pagbisita nito sa Dinagat Islands nitong Biyernes kung saan namahagi ng saku-sakong bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang bahagi ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” ng pamahalaan.

“Ang bansa ay binubuo ng maraming kapuluan, kabilang na dito ang Dinagat. Madalas ay may kahirapan sa paghatid ng mga pagkain, mga gamit, at pangangailangan," anang Pangulo.

Nagpapatupad na aniya ng mga hakbang ang gobyerno upang matugunan ang madalas na problemang nakaantala sa pagpapadala ng food supplies at iba pang basic needs sa Dinagat at iba pang isolated areas sa bansa.

“We are banking on trucks, boats, machinery, and other implements on farming and fishery for increased production and connectivity to markets,” pahayag pa ni Marcos.

PNA