Hiniling ni Senador Ramon “Bong” Revilla sa Office of the President (OP) na isaalang-alang ang mga 'no work-no pay' na empleyado ng noontime show na “It’s Showtime” sakaling maghain ito ng apela rito.

Nangyari ang pahayag ni Revilla matapos mapabalitang ibinasura ng Movie Television Review and Clissification Board (MTRCB) ang motions for reconsideration na isinumite ng “It’s Showtime” kaugnay ng 12 airing days suspension na ipinataw sa noontime show.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Maki-Balita: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

"Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan nung mga maliliit na staff at crew nung show na wala namang kinalaman at kasalanan dun sa nangyari," saad ni Revilla.

"Sila yung mga 'no work-no pay' na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at kakainin,"  paliwanag ng senador.

Naniniwala si Revilla na maghahain ng apela sa OP ang ABS-CBN at GMA sa loob ng 15-day period.

Pagbibigay-diin ng senador, "I think lessons have been learned.”

"Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don't punish those working hard day in-day out just to eke out a living," pagtatapos ni Revilla.

Matatandaang nagpataw ang MTRCB kamakailan ng 12 airing days suspension sa It’s Showtime dahil umano sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB