Inalok na ni dating “PInoy Big Brother” housemate KD Estrada ang kaniyang ka-love team na si Alexa Ilacad sa ABS-CBN Ball 2023 nitong Biyernes, Setyembre 29.

Tila “sinuhulan” ni KD ng pagkain si Alexa para mapapayag ito na maging ka-date niya sa nasabing pagtitipon.

“flowers? no. food? yes. 🍝” saad ni KD sa caption ng kaniyang post. 

Kuwento niya, nakaplano na umano ang supresa niya para kay Alexa. Pero dahil hindi nakisama ang panahon, hindi natuloy.

Bagong kanta ni KD Estrada, inspired kay Alexa Ilacad: 'No one else but you'

“was supposed to ask her to be my date for the ball yesterday in a better place. i had it all planned out, i was gonna surprise her by cooking her food right in front of her in an alfresco setting and display the proposal poster on a projector 😅 but sadly it rained REALLY hard and we had early taping the next day.”

Pero dahil sa matinding kagustuhan na masurpresa si Alexa, itinuloy pa rin ni KD kahit malayo na ang gagawin niya sa inisyal na plano.

“but still, the plan had to push through. it might not have been the initial thought but we have to keep in mind that not all things go the way we want it to, but if you really want it you have to make it work 🤗.”

Lemon Butter Salmon na may kasamang Asparagus at Aglio Olio Pasta ang nalutong pagkain ni KD para sa ka-love team.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing post ni KD. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Lord wla na ba talagang isa pang KD jan? huhuhu 😭😭😭”

“To the highest level kayds grabe ang sweet mo tlga kay lex🤍”

“For sure #AlexaIlacad would appreciate your efforts, #KDEstrada😍”

“Ang tamisssss!!! 🤍”

“Have fun at the ball my fave lovebirds 🤍”

“top tier level ng pagmamahal, ituloy nyo lang yan KDLex 🥹🤍”

Sa isang hiwalay na post, makikitang ibinahagi rin ni Alexa sa kaniyang Instagram account ang larawan niya habang hawak ang cellphone na may nakalagay na “Alexa, will you go to the ABS-CBN Ball with me?”

Iba talagang magpakilig si KD. Matatandaang kamakailan lang ay gumawa pa siya ng kanta na inspired umano kay Alexa.