Isang nakakaantig na mensahe ang isinulat ng news anchor na si Arnold Clavio sa 72nd birth anniversary ng kaniyang colleague at ama-amahang si Mike Enriquez nitong Biyernes, Setyembre 29.

Sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Setyembre 29, isang video ang ibinahagi ni Arnold na naglalaman ng ilang mga larawan nila ni Mike.

“Miss kita Ama…Ngayong puwede nang isigaw sa buong mundo na birthday mo!!!” ani Arnold.

“Musta ka ba sa itaas ? Salamat sa patuloy na paggabay Ama. Kita na kayo ng Daddy ko? 🙏🏼😉,” saad pa niya.

Veteran journalist Mike Enriquez, pumanaw na

Matatandaang pumanaw na si Mike noong Agosto 29 sa edad na 71. 

Bilang multi-awarded broadcast journalist, nagsilbi si Mike bilang anchor ng “Super Balita sa Umaga” at “Saksi sa Dobol B” ng AM station Super Radyo DZBB 594.

Pagdating sa telebisyon, tumayo rin si Mike bilang isa sa mga anchor ng “24 Oras.” Siya rin ang host ng long-running public affairs program na “Imbestigador.”