Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Thailand, 87-72, upang kamkamin ang ikalawang panalo sa Zhejiang University Zijingang Gymnasium sa China nitong Huwebes.

Katulad ng inaasahan, pinangunahan ni Justin Brownlee ang Philippine team sa nakubrang 22 points, 15 rebounds at limang assists.

Malaki rin ang naiambag ni CJ Perez sa pagkapanalo ng koponan matapos umani ng 16 points.

Muntik pang matalo ang Gilas matapos ilapit ng Thailand sa 5-point lead ang laban mula sa 21 puntos na bentahe ng una sa fourth quarter.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Sa naturang laro, nagpakawala ng 13 tres ang Thailand sa pangunguna ni Tyler Lamb na kumana ng 29 points.

Gayunman, kaagad na tumugon sina Brownlee at Perez hanggang sa maiuwi ang panalo.

Nakatakdang sagupain ng Gilas ang Jordan sa Sabado kung saan sila naghahabulan sa top spot sa Pool C para sa outright berth sa quarterfinals.

Nitong Setyembre 26, pinatumba ng Gilas ang Bahrain, 89-61, sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa nasabing kompetisyon.