Dalawa o tatlong bagyo ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) pagdating ng buwan ng Oktubre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, Jenny, Kabayan, at Liwayway ang magiging lokal na pangalan ng mga inaasahang susunod na bagyo sa bansa.

Mayroon umanong mga karaniwang cyclone tracks sa Oktubre: maaaring mag-recurve patungong northeastern portion ng PAR, o patungong Japan o Korea, nang hindi magla-landfall.

Posible rin umanong mag-landfall ang mga bagyo at tatawid sa Northern o Central Luzon, Central o  Southern Luzon patungong Vietnam, o kaya naman sa Visayas patungong Vietnam.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa ngayon, siyam na bagyo na ang nakapasok o nabuo sa PAR sa taon ito, kabilang na ang bagyong Amang, Betty, Chedeng, Dodong, Egay, Falcon, Goring, Hanna, at Ineng.

Ayon pa sa PAGASA, apat hanggang pitong bagyo pa ang maaaring pumasok o mabuo sa loob ng PAR bago matapos ang taong ito.