Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga opisyal na balotang gagamitin sa pilot automated ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa mga piling lugar sa bansa.

"Natapos po in one day ang printing. Ang naka-livestream na lang po ay continuation of cutting and sheeting and inspection of ballots," paliwanag ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Ang mga nasabing balota ay gagamitin sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City-District 6 na may 60,766 botante; sa Brgy. Paliparan III (51,435 botante) at Brgy. Zone II (1,475 botante) sa Dasmariñas City, Cavite.

Sa kabuuan, nasa 86,165 balota para sa Barangay at 27,511 balota sa SK.

Nilinaw naman ng Comelec, uunahin nilang padalhan ng mga official ballot ang malalayong lugar, partikular na sa Batanes, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kabilang na ang Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Idinagdag pa ng ahensya, kailangang mapunan ang 672,432 BSK positions para sa kabuuang 42,027 barangay sa bansa sa pagdaraos ng halalan sa Oktubre 30 ngayong taon.

PNA