Trending topic ngayon sa X (dating Twitter) ang #LalaResign matapos ibasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang motions for reconsideration na isinumite ng “It’s Showtime” kaugnay ng 12 airing days suspension na ipinataw sa noontime show.

Si MTRCB chair Lala Sotto ang tinutukoy umano sa nasabing hashtag.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa isinagawang pagdinig ng senado para sa proposed 2024 budget ng MTRCB nitong Miyerkules, Setyembre 27, nilinaw ng MTRCB chair na hindi siya sumali sa botohan ng board hinggil sa naturang desisyon sa It’s Showtime.

MAKI-BALITA: Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

Ayon sa MTRCB nitong Huwebes, Setyembre 28, isang resolusyon umano ang inilabas ng ahensya kung saan tinatanggihan nito ang motions for reconsideration (MR) na inihain ng GMA Network Inc. at ABS-CBN Corporation.

Maki-Balita: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

Sa naturang hashtag, nagpahayag ang netizens kaugnay sa ibinasurang apela ng “It’s Showtime.”

“Alam niya na maraming viewers ang  Its Showtime  kaya ginagawa niyang apakan para sya umangat. Pag uusapan ba yang SOTTO na yan kung hindi nag papansin gamit ang It's Showtime? Malamang kung wala ang It's Showtime hindi sya makikilala ng karamihan.  #LalaResign”

Matapos idiin sa napaka petty na dahilan ang it's showtime biglang mag inhibit kasi sangkot ang tito-titohan nyang bastos. #lalaresign #lalaAyawMagresignKasiMakapalMukha”

“Hay naku, pleaseee #LalaResign !!!”

“Lala Sotto, hindi kita kilala nang personal pero sa inaasal mo parang walang nagmamahal sa'yo. #AbolishMTRCB #LalaResign”

No to political dynasties #LalaResign

Tas ang kapal pa ng mukha ng Lala Baba Sotto nato na humingi ng additional 5Million sa propose 125Million na budget ng MTRCB for 2024! Dapat sainyo maabolish! Sayang un Milyon Milyon pera ng taong bayan na ginagastos pampasahod sa mga hayup na gaya niyo! #LalaResign #AbolishMTRCB”

“Bat si joey de leon di masususpend???pero un wlaang gnawa????hay nako anlala mo sobra ka #LalaResign”

Bias ang ate mo LALA SOTTO. Mag resign ka na! #LalaResign”

“Hope ABS-CBN and GMA will play their cards right. Please don't fall into the trap. Its Showtime MTRCB #LalaResign”

Please do us a favor. Magresign kana Lala Sotto. You’re not competent enough. Hindi namin kailangan ng ganyang namumuno sa ahensiyang pasweldo ng taong bayan. #LalaResign