Isiniwalat ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto na marami umanong mga tao ang nagbigay ng suhestiyon sa kanila na dapat kanselahin ang It’s Showtime, at hindi lamang patawan ng 12 airing days suspension.

Sinabi ito ni Lala nang buksan ang naturang isyu ni Senador Jinggoy Estrada sa isinagawang pagdinig ng senado para sa proposed 2024 budget ng MTRCB nitong Miyerkules, Setyembre 27.

“Meron din pong nagsasabi that the suspension of 12 airing days was too severe, well maybe some sectors. Can you enlighten this subcommittee how the sanction was arrived to that?” tanong ni Jinggoy, na siyang tumayong chairperson ng naturang pagdinig.

“There are also a lot of people suggesting to cancel the show,” sagot naman ni Lala.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“We consider other people’s comments too. That is not the only comment that we received, saying that a 12-day suspension is too much. There are also a lot who were saying that the show should be canceled or that the number of days should be extended,” saad pa niya.

Muli ring binanggit ni Lala na unanimous umano ang naging desisyon ng MTRCB hinggil dito, at hindi raw siya sumali o nakialam na naturang botohan.

MAKI-BALITA: Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

Matatandaang nagpataw ang MTRCB kamakailan ng 12 airing days suspension sa “It’s Showtime” dahil na rin sa naging pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata.”

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Naghain naman ang ABS-CBN at It’s Showtime ng Motion for Reconsideration hinggil dito.

MAKI-BALITA: It’s Showtime aapela pa sa desisyon ng MTRCB