Ibinahagi ng vlogger na si Viy Cortez sa kaniyang Facebook account ang mga kuhang larawan nila ng asawang si Lincoln Cortez Velasquez o mas kilala sa bansag na “Cong” nitong Lunes, Setyembre 25.

Sa caption ng post, mababasa na tila “kating-kati” na si Viy na makasal sa kaniyang pinakamamahal na asawa.

“Hindi na ako makapaghintay ikasal sayo, iloveyou daddy🥰” saad ni Viy sa caption ng kaniyang post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, tila may napansin naman ang isang netizen sa “day” ni Viy kamakailan. Hindi tuloy nito napigilang magtanong sa comment section. Narito ang komento:

“Based sa my day mo Ms. Viy, parang naospital si Kidlat. Correct me if I'm wrong na lang. Is he okay now? Praying for him.”

Kinumpirma naman ni Viy sa reply niya sa netizen na dinala nga umano nila si Kidlat sa ospital at limang araw silang nanatili roon. Bagama’t hindi na nagbigay pa ng detalye kung bakit naospital ang kaniyang junakis, sinabi naman ni Viy na pauwi na rin naman daw sila.

Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi rin ni Viy ang larawan nila ng kaniyang junakis habang karga-karga ito matapos umiyak at maalimpungatan sa pagkakatulog.

MAKI-BALITA:  Viy Cortez, handang kargahin si Kidlat hanggang sa magbinata