Sinampahan ng kasong kriminal ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas ang online personality na si Toni Fowler dahil umano sa malalaswa nitong contents sa YouTube channel.

Mababasa sa opisyal na Facebook page ng samahan, "KSMBPI President Atty Leo Olarte, MD and KSMBPI lawyer Atty Mark Tolentino files criminal case versus TONI FOWLER on behalf of Kapisanan ng Social Broadcasters ng Pilipinas, Inc. ( KSMBPI) at the Pasay City Prosecutors Office thus morning Sept 27, 2023.

Kinasuhan umano ng social media broadcasters ang social media personality dahil sa tatlong music video nito sa YouTube na nagpakita umano ng mga malalaswa at maseselang parte ng katawan ng lalaki at babae.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa ulat, ang kaso ay tatlong beses na paglabag umano sa Revised Penal Code Section 201 in Relation to Cybercrime Law.

Bawat video ay may multang ₱6,000 hanggang ₱12,000 at parusang pagkakakulong ng hanggang 20 taon.

Ang nabanggit na samahan din ang nagsampa ng kasong kriminal sa magjowang sina Vice Ganda at Ion Perez kaugnay ng "icing incident" sa noontime show na "It's Showtime."

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Ion sinampahan daw ng kasong kriminal ng ‘socmed broadcasters’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Toni tungkol dito.