Nawindang si Seth Fedelin sa pasabog ng kaniyang ka-love team at “Fractured” co-star na si Francine Diaz sa panayam nila kay Ogie Diaz sa vlog nitong "Ogie Diaz Inspires" kamakailan.

Bigla kasing inamin ni Francine kay Ogie na nanligaw umano si Seth sa kaniya nang tanungin siya nito.

“Tapos, naging kayo?” sundot na tanong ni Ogie.

“Opo,” sagot ni Francine sabay tingin kay Seth.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Dito na nagsimulang mawindang si Seth. Hindi na siya magkamayaw ng sasabihin. Panay din ang galaw ng kaniyang katawan.

“Hindi ako handa doon, a.” natatawang sabi niya matapos humugot ng malalim na buntung-hininga.

“Bakit?”

“Wala lang. Hindi ako handa sa sagot mo.”

“Totoo naman, e.”

“Kaya nga.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na inamin ng dalawa ang kanilang totoong relasyon. Kahit sa anomang presscon ay wala silang binanggit tungkol dito. Kaya naman nagpasalamat pa si Ogie sa dalawa.

Pero biglang kumambyo si Seth. Tila hindi nga rin alam nito kung ilang buwan na silang magkarelasyon ni Francine. Pina-cut tuloy ni Ogie ang rolling ng camera para ilayo si Francine sa kahihiyan.

“Baka hindi pa siya handa. Cut muna natin,” sabi Ogie.

Sa huli, ni-reveal nina Ogie at Francine na pina-prank lang nila si Seth. At kaya pala nag-aalangan siyang aminin ang mga sinasabi ni Francine tungkol sa kanilang dalawa ay dahil nirerespeto niya ang magulang ng ka-love team na tila ayaw pang isapubliko ang totoong relasyon nila.

Pero ayon kay Francine, alam naman umano ng magulang niya ang “pakulong” ito nila ni Ogie.

Matatandaang kamakailan lang ay nag-post pa si Seth sa kaniyang Instagram account ng sweet pictures nila ni Francine na may “cryptic” caption.

MAKI-BALITA: Netizens, kaniya-kaniyang hula sa pa-‘abC’ ni Seth kay Francine – Balita