Hindi nag-uudyok ng away ang Pilipinas laban sa China.

"'Di naman tayo nag-i-stir ng trouble. 'Di naman tayo ang kumukubkob. 'Yan 'yung 'di nila maintindihan," paglilinaw ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro sa panayam ng mga mamamahayag nitong Miyerkules.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Nauna nang binalaan ni Chinese Minister Wang Wenbin ang Pilipinas na "huwag maghanap ng gulo" kasunod na rin ng pagtanggal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa inilagay na floating barrier ng China CG sa Scarborough Shoal na kilala rin sa tawag na Bajo de Masinloc o Panatag Shoal.

Sinabi ng China CG na layunin ng paglalagay nila ng boya na pigilang pumasok sa lugar ang mga mangingisdang Pinoy at barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Gayunman, nanindigan si Teodoro na isang traditional fishing ground ang lugar kung saan malayang makapangisda ang mga Pinoy.

Ang nasabing lugar ay 472 nautical miles mula sa pinakamalapit na coastal province ng Hainan sa China at 124 nautical miles o mahigit 229 kilometro sa pinakamalapit na tabing-dagat ng Pilipinas.