Tinanong ang actor-director na si Ricky Davao sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Setyembre 26, tungkol sa pagsasama nila sa ikalawang pagkakataon ng dating asawang si Jackie Lou Blanco sa trabaho.

“Dito sa ‘Love Before Sunrise’, magkasama kayo ni Jackie?” paniniguro ni Tito Boy.

“Yes,” sagot ni Ricky.

“Everybody knows your story. Walang…walang tensyon?”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Wala naman, wala.”

Pero noong isang buwan, inamin ni Jackie na hindi umano siya komportableng katrabaho si Ricky sa kanilang unang project bilang hiwalay na mag-asawa. In fact, nagdalawang-isip siyang tanggapin ang offer sa TV series na “I Can See You” with Dingdong Dantes. Saka lang niya raw tinanggap ang offer nang tanggapin din iyon ng kaniyang dating asawa.

“It was time na din. And I’m happy that we did it. Kasi parang, you know, we also at that age na. Parang okay na. Yes, it was not the most comfortable feeling in the beginning but you get through it, e,” paliwang ni Jackie.

Matatandaang kamakailan ay inamin din ng dalawa sa hiwalay na panayam na pareho umano silang nanghinayang sa hiwalayan nila bilang mag-asawa.

Ang “Love Before Sunrise” ay TV Series na co-production ng GMA Network at Viu. Bukod kina Jackie at Ricky, tampok din sa serye sina Dennis Trillo, Bea Alonzo, Andrea Torres, at marami pang iba.