Hindi tatanggalin sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga kasapi ng Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI) sa Surigao del Norte, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang paglilinaw ng ahensya kasunod ng isang pekeng viral video na nagsasabing kinukuha umano ni SBSI President Jayrence "Senior Agila" Quilario ang 40 porsyento ng ayuda ng ahensya sa mga miyembro ng 4Ps na pawang miyembro ng grupo nito.

Binanggit sa video na nagalit umano si DSWD Secretary Rex Gatchalian kaya iniutos na tatanggalin ang mga kasapi ng grupo sa programa.

National

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Kaagad namang ipinagtanggol ng ahensya si Gatchalian at sinabing walang iniuutos ang huli na alisin sa programa ang mga miyembro ng grupo.

Sinabi pa ng DSWD, iniimbestigahan pa ang alegasyon laban sa lider ng grupo.

"Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source tulad nito," pahayag pa ng ahensya.