Usap-usapan ang naging reaksiyon at aksiyon ni "A Very Good Girl" star Kathryn Bernardo sa isang lalaking fan na "sumugod" at inakyat siya sa entablado, nang mag-promote siya ng pelikula sa isang mall kamakailan.

Viral sa TikTok na sa halip na ipagtabuyan ni Kathryn ang lalaking tila "living with special needs" ay pinabalik niya ito, inaccomodate, at nagpaunlak pa sa isang photo opportunity.

Makikita kasing hinarang ng ilang security personnel na makapanhik sa entablado ang lalaki subalit nakuha ang atensyon ni Kathryn at pinabalik ang lalaki.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Pinusuan naman ng mga netizen ang ginawa ng "Outstanding Asian Star."

"THE EVER WALKING GREEN FLAG QUEEN"

"My brother is a special child. This just melts my heart seeing how this special boy is treated by Kath."

"Kathryn Bernardo is 💚.. Beautiful inside and out! May God bless you more!"

"Kath is so genuine!"

"This is one of the reasons why she's so blessed. She really has a genuine heart."

Samantala, mapapanood na ang kauna-unahang pelikula nila ni Dolly De Leon sa mga sinehan nationwide.