Hot topic nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mrena sa kanilang showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang umano'y nakita ng mga netizen kay Sen. Robin Padilla habang nasa live selling ito ng misis na si Mariel Rodriguez-Padilla kamakailan.

Nagulat ang mga netizen nang sumungaw umano ang "Junjun" ni Binoe!

Matapos kasi nilang pag-usapan ang tungkol sa posibleng final verdict ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa "It's Showtime" ay natanong ni Ate Mrena kung sakop din ba nito ang pagsungaw ng "pututoy" ng senador sa live selling ni Mariel.

Hindi nga raw masabi ni Ogie dahil ang mga nakikita niya na ay may "smiley" na sa bandang private part  ni Robin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Yung mga ganoong bagay hindi natin nakikita," pabirong hirit ni Mama Loi.

"Baka kasi maliit kaya hindi n'yo nakita," sundot naman ni Ate Mrena na ikinatawa ng dalawa.

Sey ni Ogie, "May mga nagke-claim kasi na juts (maliit) daw. Naku, ang dami kong nakausap, hindi raw po," natatawang sabi ni Ogie.

Natanong ni Mama Loi kay Ogie kung bakit nasabi nitong "marami."

"Eh siyempre chickboy 'yan noong araw eh, 'yang kumpare kong 'yan eh. Pero 'yan ay hindi naman sinasadya," giit pa ni Ogie.

Nabanggit ni Ogie ang insidente namang nangyari kay Cesar Montano, na nakita sa likod nito ang isang babaeng nakahubo't hubad habang siya ay nasa live.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng senador tungkol dito.

&t=676s