Hindi nakaligtas sa traffic ang TV host na si Boy Abunda kaya’t sandali itong na-late sa kaniyang afternoon show na “Fast Talk with Boy Abunda.” Pero infairness sa guest na si Rocco Nacino, sinalo niya ang opening spiel ng show.

First time time na ma-late si Tito Boy sa kaniyang sariling show kaya si Rocco muna ang nag-opening spiel sa September 25 episode.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Magandang hapon mo 'Nay, 'Tay, mga Kapuso, ako po si Rocco Nacino at today ako ang bisita ninyo dito. Relax lang kayo d'yan dahil sa aming pagbabalik, makakausap ko na si Tito Boy dito lang sa 'Fast Talk with Boy Abunda,'" saad ni Rocco.

Pero bago pa mag-break ay saktong pagdating ni Tito Boy, “Hindi na kailangang maghintay nandito na si Tito Boy.”

Nagpasalamat naman ang TV host kay Rocco at sinabing nag-angkas daw siya papuntang studio. Bagama’t traffic nga, hindi raw iyon magiging dahilan para hindi siya makapagtrabaho.

“Maraming maraming salamat. Traffic is very bad but that’s not an excuse,” sey ni Tito Boy.

Nagpasalamat naman ang TV host sa angkas rider.

“Manong, I didn’t get your name, sobra, pero mula sa aking puso, damo nga salamat."