Usap-usapan ang posibilidad daw na maglaro ang "Team Vice Ganda" at "Team Anne Curtis" sa nagbabalik na "Family Feud" season 2 hosted by Dingdong Dantes.

Kaya lang daw, hindi pa swak ang schedule kaya hindi pa ito mapapanood sa unang linggo. Pero refreshing sa paningin na muling makita sa bakuran ng GMA Network ang mga taga-ABS-CBN, lalo na't dahil ito sa pag-ere ng noontime program sa GTV Channel ng Kapuso Network.

Speaking of paglalaro sa Family Feud, marami ang napapatanong kung sasama kaya sa mga maglalaro ang isa sa mga host na si Karylle Tatlonghari.

Sa mga hindi nakakaalam, ex-boyfriend ni Karylle si Dingdong bago maging jowa ng huli si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Hindi ba at naging kontrobersiyal pa nga ang paglipat ni Karylle sa Kapamilya Network noong 2008, at lalo na ang kontrobersiyal na pagngiti niya nang makapanayam ni Boy Abunda sa defunct showbiz talk show na "The Buzz?"

Anyway, narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na nakalap ng Balita:

"Kasama ba si Karylle?"

"Di kaya awkward kung pupunta taga showtime Cause of karylle?"

"C karylle Ang pglaruin nyo s family feud"

"i can't wait to see karylle and dingdong in one frame again."

"kasali ba si Karylle sa Family Feud"

Noong 2018, ibinuking ni Vice Ganda sa It's Showtime na nagkrus ang mga landas nina Karylle at Marian sa isang event, at nagbeso-beso pa nga raw sila!

Pero ang tanong, nagbeso rin ba siya sa ex?

MAKI-BALITA: Reconciliation nina Marian at Karylle, ibinuking ni Vice Ganda

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon mula sa kampo ni Karylle kung sasama nga siya rito o hindi.