Kinaaliwan ng mga netizen ang hirit ni South Korean star at binansagang "Pambansang Krung Krung" na si Sandara Park matapos niyang muling makatapak sa ABS-CBN at mag-guest sa noontime show na "It's Showtime."

Matapos kasing magsampol ng pasabog na performance ay kinapanayam ng host na si Anne Curtis ang dating miyembro ng 2NE1 na hindi maitatangging "Pinoy at heart."

"How do you feel na ikaw pa rin ang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas?" tanong ni Anne.

"Mahal na mahal ko ang Pilipinas, dito ako nanggaling 'di ba at lalo na rito sa ABS-CBN," ani Sandara.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Subalit tila may "reklamo" si Sandara matapos niyang hanapin ang picture niya sa wall ng corridor ng ABS-CBN building.

"Pero nagtataka ako bakit wala 'yong picture ko sa wall sa labas?"

Nakita raw ni Sandara ang mga larawan nina Anne at Kim sa corridor at ang ganda raw.

Ayon naman kay Jhong Hilario, dahil mahal na mahal ni Sandara ang Pilipinas kaya mahal na mahal din siya ng mga Pilipino.

Matatandaang naging bahagi si Sandara ng ABS-CBN nang maging runner-up ito sa artista search na "Star Circle Quest" noong 2004.

Simula noon ay nagkaroon na siya ng mga proyekto sa Kapamilya Network at pumirma sa Star Magic. Ang una niyang pelikula ay romantic comedy na "BCuz of U" katambal si Hero Angeles. Sumunod naman ay ang "Can This Be Love" noong 2005 na sinasabing tumabo ng 100 milyong piso.

Bumalik sa South Korea si Sandara noong 2007 nang hindi na i-renew ng Star Magic ang kontrata niya. Subalit doon naman siya mas sumikat nang husto hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo dahil sa kanilang all-female group.