Mayorya ng mga Pilipino ang nagsabing dapat unahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga isyu ng ekonomiya ng Pilipinas, lalo na ang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin, ayon sa resulta ng “Pahayag 2023 Third Quarter Survey” ng Publicus Asia.

“In the recent PAHAYAG 2023 Third Quarter Survey (PQ3) conducted by PUBLiCUS Asia, Inc., it has been revealed that the concerns of Filipino citizens remain consistent with those of the previous quarter. However, a significant shift in focus has occurred as the relentless rise in prices of basic goods has elevated Prices/Inflation and The Philippine Economy to the forefront of national priorities,” pahayag ng Publicus Asia nitong Lunes, Setyembre 25.

“Approximately a third of Filipinos now identify these economic challenges as the most crucial areas for President Ferdinand Marcos Jr. to address,” dagdag pa nito.

Base sa Pahayag 2023 Third Quarter Survey, 15% ng mga Pilipino ang nagsabing dapat pagtuunan ni Marcos ang mga suliranin sa ekonomiya, kabilang na ang usapin sa pangunahing pangangailangan at mga bilihin, at 14% ay hinggil sa mataas umanong presyo ng mga bilihin.

Impeachment case ni VP Sara, maaari pang madagdagan?

Samantala mahalaga rin umanong pagtuunan ng Pangulo ang economic concerns, tulad ng paghahanap ng trabaho (12%), mga alalahanin tungkol sa kulang sa sahod o underpaid (12%), at ang nagbabantang posibilidad ng kawalan ng trabaho (10%).

“In macro and micro concerns among Filipinos, distinct patterns emerge. Notably, 25% of those with minimal education prioritize grappling with rising prices and inflation. Meanwhile, the 50-59 age group, often in supervisory roles, focuses on economic stability (26%). In the Visayas, 17% of voters highlight corruption as a top concern,” anang Publicious Asia.

“At the micro-level, 22% of less educated Filipinos struggle to meet basic needs, while 19% of 25-29-year-olds face job scarcity and skill mismatches. Surprisingly, 19% of government workers express dissatisfaction with their pay. These findings reveal a diverse array of pressing issues within Filipino society, emphasizing the need for multifaceted solutions,” dagdag pa nito.

Isinagawa umano ang PAHAYAG 2023 Third Quarter Survey, na isang independent at non-commissioned survey, mula Setyembre 7 hanggang 12, 2023, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa 1,500 respondents.