Kinabiliban ng maraming netizen ang painting ng netizen na si Ysha Serein kamakailan kung saan tampok si “Hanni Pham” na isa sa mga miyembro ng South Korean girl group na “NewJeans”.

“Hanni pham 🌻drawn using ohuhu art markers~” saad ni Serein sa caption ng kaniyang post sa isang Facebook online community.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Ysha ang kaniyang inspirasyon sa likod ng pagpinta kay Hanni.

“I wanted to branch out from my usual colored pencil art, so I gave this one a try. I also learned from my favorite artists who're really good at this medium,” pahayag niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

Dagdag pa niya, matagal na rin umano niyang gustong ipinta si Hanni dahil ito raw ang pinakapaborito niya sa lahat ng miyembro ng “NewJeans”. Ngunit nito lang daw siya nagkaroon ng oras. 

Matagal nang nagpipinta si Ysha. Sa katunayan, pre-school umano pa lang siya ay natuklasan na niya ang pagkahumaling sa sining na ito.

“My love for art goes way back to my preschool days, when my mom would stock me up on crayons, and watching colors come to life always brought me so much joy. As I moved into junior high, I knew I wanted to pursue a career in the art world, and I also wanted to try taking commissions. That's why I make it a point to practice every day and continually level up my skills.” 

Nang tanungin naman siya kung ano ang maibibigay niyang mensahe para sa mga nagsisimulang artist, sinabi ni Ysha na huwag umano nilang hayaang pigilan sila ng mga kabiguan para magpatuloy. Dahil ang bawat pagkabigo ay hakbang tungo sa lalong pagkatuto at paglago.

“Focus on the journey itself and how you can improve your craft. When you hit an art block, try and explore other mediums and techniques, learn along the way, and most importantly, have fun with the process.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 22k reactions at 952 shares ang nasabing painting ni Ysha.