Naglabas na ng pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) hinggil sa naging banat ni Joey de Leon sa tanong na “mga bagay na isinasabit sa leeg” sa isang segment ng noontime show na E.A.T.
Sa isang pahayag nitong Lunes, Setyembre 25, sinabi ng MTRCB na magsasagawa sila ng “pagsusuri” tungkol sa mga reklamo umano hinggil sa E.A.T.
“Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations,” pahayag ng MTRCB.
Matatandaang sa segment ng E.A.T. na Gimme 5: Laro Ng Mga Henyo nitong Sabado, Setyembre 23, kung saan sina Joey at Vic Sotto ang main hosts, tinanong ang isang contestant na magbigay ng mga bagay na sinasabit sa leeg.
“Lubid, lubid. Nakakalimutan n’yo,” biglang hirit ni Joey sa tanong na may kasamang pagtawa, dahila kaya’t inulan ng batikos ang comedy-host sa social media.
Maging si MTRCB chair Lala Sotto, na anak ng kapwa E.A.T. host na si Tito Sotto, ay naging trending topic din sa X matapos siyang kalampagin ng ilang netizens na umaksyon sa nasabing eksena.
MAKI-BALITA: Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.