Isa ang haliging host ng noontime show na "E.A.T." na si Joey De Leon sa nag-welcome sa unica hija ng celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach na si Atasha Muhlach, na bahagi na rin ng kanilang programa.

Ngunit hindi talaga mawawala kay Joey ang "word play" dahil naipasok pa niya rito ang pasaring tungkol sa pinag-aawayang titulo ng kanilang noontime program, sa pagitan ng "Eat Bulaga" ng TAPE, Inc.

Aniya, ang pagpasok daw ni Atasha ang kumumpleto sa kanila, dahil ang tatay raw ni Atasha na si Aga Muhlach ay matagal nang bahagi ng kanilang show, sa pamagat pa lang.

MAKI-BALITA: Atasha Muhlach, bagong Dabarkads

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Mababasa sa kaniyang Instagram post, "Welcome our new Dabarkads, Atasha Muhlach! 🎈BUO na ang Dabarkads at yung anak ng ORIGINAL TITLE na pag-aari namin, the last three letters ay narito na!—-Eat BulAGA! 🎈#TVJonTV5 #LegitDabarkads."

Matatandaang kasalukuyang dumaraan pa sa legal na usapin ang tungkol sa nabanggit na pagmamay-ari ng titulong "Eat Bulaga" na claim ng komedyante-host, siya ang nag-isip noong sinisimulan nila ang pagbuo rito noong 1979.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Joey hinggil sa panibagong kinasasangkutang isyu hinggil sa joke niyang "lubid" sa segment na "Gimme 5."

MAKI-BALITA: Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB hinggil dito.

MAKI-BALITA: MTRCB, naglabas ng pahayag hinggil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.