Hinikayat ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang Philippine Coast Guard (PCG) na agad na putulin at alisin ang floating barrier na nilagay ng China Coast Guard (CCG) sa Bajo de Masinloc, mas kilala bilang Panatag Shoal o Scarborough Shoal, na pumipigil sa mga Pinoy na makapangisda sa lugar.

Sa ulat ng PCG nitong Linggo, Setyembre 24, natuklasan umano nila ang 300 metrong floating barrier nang magsagawa ng maritime patrol ang kanilang mga tauhan at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa binisidad ng Panatag Shoal noong Biyernes, Setyembre 22.

MAKI-BALITA: China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

“First of all they have no right to put any structures within our Exclusive Economic Zone (EEZ),” giit ni Zubiri sa isang pahayag nitong Linggo.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

“Secondly, these structures pose a danger on passing fishing boats that can get entangled on the lines and cause considerable damage to the propellers and engines of our fisherfolk,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, inihayag ni Zubiri na dapat alisin ang mga iligal na istraktura sa West Philippine Sea (WPS) hindi lamang para maipakita ang karapatan sa soberanya ng bansa, kung para protektahan umano ang mga mangingisda.

“I would like to request our Philippine Coast Guard to immediately cut and remove all these illegal structures located at our West Philippine Sea not just to assert our sovereign rights to the area but to protect our fishermen from any possible accidents that may arise from these illegal structures,” saad pa ng senate leader.

Pinasalamatan din naman ni Zubiri ang PCG sa pagsisikap umano nitong protektahan ang mga lugar sa loob ng EEZ ng bansa.

“We, in the Senate, stand by our brave men and women who risk their lives for the freedoms that we enjoy today,” saad pa ni Zubiri.