Kinalugdan ng mga netizen ang isang tatay mula sa Valenzuela City matapos umanong i-donate sa pampublikong silid-aklatan ang mga aklat sa kanilang bahay, na hindi na nagagamit dahil pawang nakapagtapos na sa pag-aaral ang kaniyang mga anak.

Makikita sa Facebook post ng Valenzuela City Library ang larawan ni Vicente C. Alfonso Jr. ng Brgy. Karuhatan sa Valenzuela City kasama ang mga nakataling lumang mga aklat na maaari pang mabasa at mapakinabangan ng mga nagnanais na magbasa.

"Puro graduate na mga anak ko. Naisipan kong i-donate itong mga books para mapakinabangan ng iba," saad daw ni Vicente.

"Salamat po, Sir! Let's build the Library together!" pasasalamat ng admin ng FB page ng nabanggit na city library.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Habang isinusulat ang balitang ito ay umani na ng 59k reactions, 620 shares, at 630 comments ang nabanggit na FB post.