Nangulelat ang Pilipinas sa medal tally sa sinalihang 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Sa social media post ng Philippine Sports Commission (PSC), nasa ika-13 puwesto ang Team Philippines hanggang nitong Linggo ng hapon matapos sumungkit ng bronze medal.

Ang unang medalya ng Pilipinas ay nakuha ni Patrick King Perez matapos yumuko kay Taiwanese Yun Zhong Ma sa Men's Individual Poomsae event.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nangunguna ang China sa nakubrang 12 gold medal, isang silver medal at dalawang bronze medal na sinusundan ng Korea (dalawang gold medal, dalawang silver medal at isang bronze), at ikatlo ang Japan na sumungkit ng isang gold medal, at 3 silver medal.

Sa kabila nito, nanawagan ang ahensya na suportahan ang mga atletang Pinoy upang makapag-uwi ng maraming medalya.