Tuloy ang buhay para kay Sparkle GMA Artist Center Artist Abdul Raman nang bumisita sa nakaraang awards night ng 7th Outstanding Men and Women of the Philippines 2023 sa Music Museum matapos ang pinagdaanan ng kaniyang mahal na ina, nang ma-stroke ito noong 2021.

Thankful siya sa mga tumulong sa mama niya. Bagama't sa kasagsagan ng pandemya ang hindi magandang nangyari sa kaniyang ina, gumawa pa rin siya ng paraan upang maitawid ang gamutan at pangangailangan nilang pamilya sa pamamagitan ng pagbi-Bigo live streaming.

Aminado si Abdul na ang hirap makahanap ng trabaho nang mga panahong iyon. Dahil nga breadwinner siya kahit noong bago pa man ma-stroke ang kaniyang ina. Buti na lang sunod-sunod na ang mga proyekto ni Abdul sa GMA Network kagaya ng “Sparkle U” na magkaka-world premiere sa Oktubre 1, 2023 sa ganap na 6:00 ng gabi.

Kumusta naman ang kaniyang ina after itong mastroke?

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“She is okay. She is recovering. Slowly nakapag-ipon na ako para makapag-therapy siya. Yeah slowly, every other day nakakapag-therapy siya. Slowly but surely.”

Kahit broken family sila Abdul medyo nakatulong naman daw ang kaniyang amang Egyptian noong nagkasakit ang mama niya. Pero sa ngayon, hindi na naman daw sila ayos ng kaniyang ama at hindi sila nag-uusap.

“Right now as things develop hindi po kami okay ulit. I stopped (talking) personally kasi for personal reasons na ano basta I feel like hindi na okay ang relationship namin, for now I guess. But I’m aware na it just takes time. Ako personally I was ready pero it seems that he isn't ready. Kasi wala it just hindi ko feel na nagbago pa siya as of now.”

Kung dati raw sinasabihan siya ng ina niya na huwag magtanim ng galit sa tatay niya, ngayon hinahayaan na raw siya sa kaniyang iniisip at opinyon.

“She used to dati pero ngayon po kasi naramdaman ko she has more respect for, mas may respeto siya ngayon sa what I think sa opinions ko and sa emotions ko. And actually development niya rin yun. I told her din countless of times na that something I wanna prove to her din na kaya ko, kung ano ang nararamdaman at naiisip ko ay valid."

"Kasi I proven it to her countless times and itong challenge that I face right now is the biggest proof of that. So ngayon hindi na niya sinasabi sa akin na what I should think about my Dad. Hinahayaan na niya ako. And ako naman I just let things be. Hindi ko na kinukuwestiyon what should be, what shouldn't be."

"I just focus on the things that I can control."

Pagtatapos ni Abdul wala naman daw siyang galit sa tatay niya. May mga problema raw sa ngayon ang tatay niya na siya lang mismo ang makakatulong.

Pahabol pa ng "StarStruck" alumnus na lalabas daw sa “Magpakailanman” ng Kapuso Network ang istorya ng buhay niya.

Ang tanong, ngayon kayang kaarawan ni Abdul (Setyembre 23, 2023) mag-uusap na kaya sila at babatiin kaya siya happy birthday ng kaniyang ama?

Well, 'yan ang abangan.