Nilinaw ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Setyembre 22, na wala pang naitatalang bagong kaso ng Nipah virus sa Pilipinas.

Sinabi ito ng ahensya sa gitna ng patuloy na pagmo-monitor nito sa mga posibleng banta ng naturang virus na kasalukuyang nakaaapekto sa India.

Ayon sa DOH, karaniwang naililipat ang Nipah virus sa mga tao mula sa mga hayop o sa pamamagitan ng kontaminasyon sa pagkain. Gayunpaman, maaari din umano itong direktang naipapasa sa pagitan ng mga tao.

Wala umanong bakuna para sa Nipah virus.

National

‘Para pak na pak!’ Impeachment complaint vs VP Sara, next year na dapat tanggapin – Gadon

Sinabi naman ng DOH na nananatili itong maagap sa pagtatatag ng isang surveillance system na idinisenyo upang makita ang anumang mga potensyal na kaso.

Ipinagpapatuloy din umano ng ahensya ang mga pagsisikap nitong palakasin ang public health interventions bilang bahagi ng eight-point action agenda nito.

Taong 2014 nang nakapagtala umano ang DOH ng kaso ng Nipa virus infection sa Sultan Kudarat.

Base rin sa ulat, 17 pinasusupetsahang kaso ng nasabing virus ang nadiskubre noong Abril 2014.

Walo sa mga nasabing pasyente ang nakarekober habang siyam ang nasawi, ayon sa DOH.