Sa pagbisita ng “Unbreak my Heart” star na si Nikki Valdez sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, sinabi niyang non-negotiable sa kaniya ang cheating o pagtataksil pagdating sa relasyon.

Unang itinanong ni Boy Abunda kay Nikki, “How do you unbreak a heart?”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“I don’t think you can ever unbreak a heart,” diretsang sagot ni Nikki.

“It’s like ka-level po kasi ‘yan ng once you lose that trust of a person, diba? Ang hirap. And I always tell my daughter this, ‘Siguraduhin mo na tama ‘yung  mga sasabihin mo, tama ‘yung mga gagawin mo, tama ‘yung mga choices mo in life.’ Kasi once you break someone’s heart, once you lie or nasabi mo na, nagawa mo na, hindi mo naman kaya ibalik ‘yun eh,” dagdag pa niya.

Dito nabanggit niyang non-negotiable sa kaniya ang cheating o pagtataksil dahil naranasan niya ito.

“Non-negotiable because I’ve been through that,” she said. “So it’s something na sobrang sakit, sobrang sakit na sometimes, kahit kahit masaya ka na, you are at the happiest point of your life, pagka may trigger, mababalik ka eh. Maiisip mo talaga na masakit. Never mo nang mababawi ‘yun kahit ano pang sabihin mong ‘masaya naman na ako ngayon,’” ayon pa kay Nikki.

Matatandaang naghiwalay sina Nikki at ng kaniyang dating asawang Filipino-Canadian na si Christopher Lina noong 2009 matapos ikasal noong 2007 dahil sa umano’y pagtataksil ng huli.

Sa kabila ng sakit na naranasan, muli niyang natagpuan ang “pag-ibig” nang isuko niya ang lahat.

“When I stop, when I surrendered everything. Sinabi ko talaga na ‘ayoko na.’ parang ‘pagod na pagod na ako.’ And then, the light at the end of that super dark tunnel was my daughter,” kuwento ng aktres.

Ngayon ay masaya ang lovelife ni Nikki dahil sa kaniyang asawang si Luis Garcia. Ikinasal sila noong Agosto 2018 sa Hong Kong.

Kasalukuyang mapapanood si Nikki sa teleseryeng “Unbreak my Heart.”