Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na makatutulong sa pagbaba ng presyo ng bigas ang maagang anihan sa bansa.

“Nag-aani na tayo. Pagpasok niyan, sa palagay ko makikita na natin na bababa ‘yung presyo, (It would be determined by) market forces. Baka kung ‘yung merkado mismo ang magbababa ng presyo, eh puwede na nating bawasan,” paglalahad ng punong ehekutibo matapos dumalo sa pamamahagi ng bigas sa 2,000 qualified beneficiaries sa Iriga City, Camarines Sur nitong Sabado.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Idinipensa rin ni Marcos ang naging desisyon nito na magpatupad ng mandated price ceiling dahil sa biglaang pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Nitong Agosto, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na posibleng umabot sa 900,000 metric tons ang maaaning palay.

Sa report din ng DA, ang naaning palay sa huling bahagi ng Setyembre at Oktubre ay makatutulong ng malaki sa produksyon ng bansa mula Hulyo hanggang Disyembre na tinatayang aabot sa 11.5 million metric tons.

Kaugnay nito, tiniyak ni Marcos na walang dapat ipangamba sa suplay dahil sapat ang imbak na bigas ng gobyerno.