Hindi lingid sa kaalaman ng iba na malapit sa isa’t isa ang mga komedyanteng sina Maey Bautista at Betong Sumaya. Kaya sa interview ni Maey sa "Fast Talk with Boy Abunda" ay diretsahan siyang tinanong ng King of Talk kung nagkaroon ba sila ng relasyon.

“Diretsahang tanong, oo o hindi. Naging kayo nga ba ni Betong?” tanong ni Tito Boy kay Maey sa latest episode nitong Biyernes, Setyembre 22.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Diretso na po talaga ito? Ay hindi po,” sey naman ni Maey.

“In another life, would you marry him?” sundot na tanong ni Tito Boy na nagpatawa sa aktres.

“Yah, why not? Sobrang ang galing-galing niya sa lahat ng aspeto. Sa comedy, sa pagho-host. Isa siya sa mga nagturo sa akin kung paano maging host… maging effective na host,” sey ng ‘Unbreak my Heart’ star.

Sa "Fast Talk" segment naman itinanong sa komedyante kung ano ang sexiest part ng katawan ni Betong.

"None of the above," sagot niya.

Nakilala ang “MaeTong” tandem noong 2012 sa pagsabak nila sa “Survivor Philippines.”

Samantala, masaya rin ang lovelife ngayon ni Maey dahil malapit na rin itong ikasal sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

Kasalukuyang mapapanood si Maey sa teleseryeng “Unbreak my Heart.”