“A cosmic meet-cute.”⁣

Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng isang kamangha-manghang larawan ng Arp 107, isang pares ng galaxies na matatagpuan umano 465 million light-years ang layo mula sa Earth.

“A celestial object about 465 million light-years away from Earth, ‘Arp 107’ includes a pair of galaxies that are about to collide,” paliwanag ng NASA sa isang Instagram post.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Base umano sa larawan na kinuha umano ng NASA Hubble, nasa kaliwang bahagi ang isang “energized Seyfert galaxy.”

“You can see the immense brightness at the core where it houses an active galactic nuclei. Radiation is bursting from the entire galaxy making it clearly visible even by its spiraling whorls, star formation, and dust lanes,” anang NASA.

“On the right is its smaller friend connecting to the larger galaxy by a ‘bridge’ of dust and gas,” dagdag pa nito. ⁣

Inihayag din ng NASA na nag-compile ang Halton Arp ng isang catalog ng 338 galaxies noong 1966 na pinangalanang “Atlas of Peculiar Galaxies,” na kinabibilangan ng Arp 107.