Nagsama sa isang vlog ang Kapamilya stars at social media celebrities na sina Ivana Alawi at Andrea Brillantes, na mapapanood sa YouTube channel ng una.

May pamagat itong KING CRAB MUKBANG + JUICY Q&A WITH ANDREA BRILLANTES | IVANA ALAWI na inupload nitong Biyernes, Setyembre 22 na may 747k views na habang isinusulat ang balitang ito.

Kasama nila sa vlog at tila nagsilbing host ang bunsong sis ni Ivana na si Mona Alawi, na bestfriend pala ni Blythe.

Minukbang ng tatlo ang isang dambuhalang alimango o king crab habang sinasagot ang mga tanong na kinuha nila mula sa netizens.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Una na rito ay nagsabihan muna sila ng impresyon sa isa't isa. Sey ni Andrea, naging therapy niya ang vlogs ni Ivana noong kasagsagan ng lockdowns dahil sa pandemya. Gandang-ganda raw si Blythe kay Ivana.

Si Ivana naman, ang first impression kay Blythe ay "maldita" at hindi ma-reach, pero nang nakilala na niya ito, hindi naman pala dahil super kalog daw ito at down to earth.

Sumunod na tanong ay tungkol sa kanilang "toxic behavior." Unang sumagot dito si Andrea at inamin niyang "gantitera" siya pagdating sa mga nagdaang relasyon.

Tipong kapag ang karelasyon ay nag-party na hindi nagpapaalam, gagawin din niya ito upang makaganti.

Pero sa ngayon ay sinisikap na raw niyang baguhin ito.

"Hindi po talaga maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali," giit ni Andrea.

Bagama't walang tinukoy kung sino o ano ang dahilan ng isang buwan hanggang isang taong galit na galit siya, kinimkim lang daw niya ang galit at mas piniling magdasal.

"Pinairal ko yung goodness in my heart and huwag padala sa ka-toxican ko, naging maganda yung buhay ko," pag-amin ni Andrea.

Si Ivana naman, aminadong ilang years bago tuluyang maka-move on.

"I love cutting people," ani Ivana.

Pero sansala ni Andrea, hindi naman daw toxic iyon at parang normal lang naman.

Kaya bawi na lang ni Ivana, "Selosa ako."

Pero sey ulit ni Andrea, depende raw dahil baka valid naman ang pagkaselos. Sinegundahan naman ito ni Mona.

"Mabait talaga si Ate Ivana," papuri na lang ni Andrea dahil wala raw itong masabing ka-toxican.

Si Andrea na lang ang nagsabi ng salita at ito ay "paasa."

Dito ay napangiti at napahinto na lang si Ivana at mukhang nasapul ito ng Kapamilya star. Aminado si Ivana na nakapagpaiyak na siya ng mga lalaki.

"That's real!" natatawang sey ni Ivana. "Toxic ba 'yon? Hindi ba fun fun?"

"Ay shet. Dati lang 'to ha? Nagpapaiyak lang po ako ng mga lalaki... Akala ko talaga hindi 'yon toxic," dagdag pa ng sexy actress-vlogger.

Nai-relate naman ito ni Andrea sa kaniyang sarili, dahil dumating na raw sa puntong kapag umiyak ang lalaki, hindi siya nakararamdam ng awa.

"Ako kasi parang naging toxicness ko rin 'yong parang umiyak ang lalaki hindi ako naaawa," ani Blythe.

"Oh? Matigas," reaksiyon naman ng Ivana.

"Oo kasi, parang... pinaiyak mo 'ko nang todo eh, 'pag umiyak sila, 'Buti nga sa'yo!" banat pa ni Andrea.

Matatandaang nalagay sa spotlight si Andrea sa mga nagdaang buwan dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Ricci Rivero.

MAKI-BALITA: Ivana at Andrea nagsama sa mukbang; Blythe aminadong ‘gantitera’