Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama sa isang vlog ang Kapamilya stars at social media celebrities na sina Ivana Alawi at Andrea Brillantes, na mapapanood sa YouTube channel ng una.

Kasama nila sa vlog at tila nagsilbing host ang bunsong sis ni Ivana na si Mona Alawi, na besty pala ni Blythe.

Minukbang ng tatlo ang isang dambuhalang alimango o king crab habang sinasagot ang mga tanong na kinuha nila mula sa netizens.

Una na rito ay nagsabihan muna sila ng impresyon sa isa't isa. Sey ni Andrea, naging therapy niya ang vlogs ni Ivana noong kasagsagan ng lockdowns dahil sa pandemya. Gandang-ganda raw si Blythe kay Ivana.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Si Ivana naman, ang first impression kay Blythe ay "maldita" at hindi ma-reach, pero nang nakilala na niya ito, hindi naman pala dahil super kalog daw ito at down to earth.

Sumunod na tanong ay tungkol sa kanilang "toxic behavior." Unang sumagot dito si Andrea at inamin niyang "gantitera" siya pagdating sa mga nagdaang relasyon. Tipong kapag ang karelasyon ay nag-party na hindi nagpapaalam, gagawin din niya ito upang makaganti.

"Binabago ko na po siya. I'm trying my best," ani Andrea. "Gantitera po ako. Applicable lang po ito [sa] relationship... sa relationship po, gantitera ako. 'Ha, paparty ka? Okay, paparty rin ako.' I really like to get even or I even get worse, parang ganiyan. May ganoon po akong ugali.

Pero sa ngayon ay sinisikap na raw niyang baguhin ito.

"Hindi po talaga maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali," giit ni Andrea.

Bagama't walang tinukoy kung sino o ano ang dahilan ng isang buwan hanggang isang taong galit na galit siya, kinimkim lang daw niya ang galit at mas piniling magdasal.

"Pinairal ko yung goodness in my heart and huwag padala sa ka-toxican ko, naging maganda yung buhay ko," pag-amin ni Andrea.

Si Ivana naman, aminadong ilang years bago tuluyang maka-move on.

"I love cutting people," ani Ivana.

Pero sansala ni Andrea, hindi naman daw toxic iyon at parang normal lang naman.

Kaya bawi na lang ni Ivana, "Selosa ako."

Pero sey ulit ni Andrea, depende raw dahil baka valid naman ang pagkaselos. Sinegundahan naman ito ni Mona.

"Mabait talaga si Ate Ivana," papuri na lang ni Andrea dahil wala raw itong masabing ka-toxican.

Si Andrea na lang ang nagsabi ng salita at ito ay "paasa."

Dito ay napangiti at napahinto na lang si Ivana at mukhang nasapul ito ng Kapamilya star.

Nai-relate naman ito ni Andrea sa kaniyang sarili, dahil dumating na raw sa puntong kapag umiyak ang lalaki, hindi siya nakararamdam ng awa.

"Oo kasi, parang... pinaiyak mo 'ko nang todo e, 'pag umiyak sila, 'Buti nga sa'yo!" makahulugang pahayag pa ni Blythe.