National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Hindi magpapatupad ng fishing ban ang pamahalaan dahil maaapektuhan nito ang kita ng maliliit na mangingisda.

Ito ang reaksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nang pangunahan ang pamamahagi ng bigas sa Iriga City, Camarines Sur nitong Sabado.

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na magkakaroon lamang ng fishing restriction sa mga breeding areas.

"Hindi maganda ang pagkapaliwanag ko. Hindi fishing ban ang pinag-usapan ko. Ang sinasabi ko, kung saan ‘yung breeding area ng isda, huwag tayong mangingisda doon para dumami ‘yung isda,” anang Pangulo.

“Pero walang fishing ban. Hindi naman -- walang hanapbuhay ang tao. Padadamihin nga natin ‘yung isda. Dahil kausap ko kanina ‘yung mga mangingisda, sabi nila talagang nabawasan na ‘yung huli nila,” paglilinaw ni Marcos.

Binanggit din nito ang kahalagahan ng pangangalaga sa fish breeding grounds upang matiyak na magkaroon ng masaganang huli at lumaki ang kita ng mga mangingisda.