Namangha ang mga netizen sa kitang-kitang weight loss ng radio personality na si "Nicole Hyala" o Emmylou Gaite-Tinana sa tunay na buhay, batay sa kaniyang latest Facebook post.

Ayon sa ka-tandem ni Chris Tsuper sa 90.7 Love Radio, ang suot niyang damit ay dating naisusuot niya bilang pang-itaas o blouse.

Subalit makalipas ang tatlong buwan, naging dress na ito matapos ang tatlong buwang paghihikahos, este diet plan!

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kung titingnan nga raw niya ang litrato, akala niya throwback lang ang pagpayat subalit sa loob nga ng tatlong buwan, na-achieve na niya ang kapayatan.

"Akala ko talaga dati, hanggang Throwback na lang ang pagpayat. Alam nyo ba na dati ay blouse ito pag sinusuot ko. Ngayon, nasusot ko na sya bilang dress. Yay!"

"Sa mga nagtatanong, my diet plan is poverty. Ganun talaga pag wala na makain. Hahahahaha!"

"Pero seriously, grabe yung fasting for 3 months. 20 - 22 hours na walang kain. Tubig lang. Mon to Thurs akong OMAD. One Meal A Day lang. 🙂 Cheat days on weekends para di ako mabaliw. Hahaha."

Narito naman ang mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Very amazing transformation Ms. Nicole."

"Look fabulous!"

"Wow Mam achieve ang goal pero mahirap mag-diet talaga."

"Nakakatawa, magaya nga!"

"Very inspiring!"

Take note, giit ni Nicole Hyala na kumonsulta pa rin sa expert bago gawin ang anumang diet plan.

Aniya, "This is my story. Consult an expert para sure. 🙂 "