Nagsama sa isang vlog ang Kapamilya stars at social media celebrities na sina Ivana Alawi at Andrea Brillantes, na mapapanood sa YouTube channel ng una.

May pamagat itong KING CRAB MUKBANG + JUICY Q&A WITH ANDREA BRILLANTES | IVANA ALAWI na inupload nitong Biyernes, Setyembre 22 na may 747k views na habang isinusulat ang balitang ito.

Kasama nila sa vlog at tila nagsilbing host ang bunsong sis ni Ivana na si Mona Alawi, na bestfriend pala ni Blythe.

Minukbang ng tatlo ang isang dambuhalang alimango o king crab habang sinasagot ang mga tanong na kinuha nila mula sa netizens.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isa sa mga napag-usapan nila sa Q&A ang kanilang first crush.

Pag-amin ni Blythe, first crush niya ang Kapuso actor na si Paul Salas na jowa ng Kapuso actress na si Mikee Quintos.

"Ako po Paul Salas," anang Blythe. "Paul Salas kasi nag-audition po ako noon sa Marimar (GMA Network), hindi ako nakuha. Pero napansin po ako ni Sir Dingdong (Dantes), kinuha niya ako sa parang wedding ng kapatid niya or whatever, tapos ang kasama ko ro'n si Paul Salas. Four, five years old lang yata ako no'n... crush na crush ko."

Nagulat naman si Ivana na 4 years old pa lang si Andrea ay may crush na kaagad ito.

"Crush na crush ko siya noon," giit pa ni Blythe. "Pero ngayon hindi na."

Hindi naman nagsabi ng local celebrity na crush ni Ivana subalit buking ni Mona, si John Cena na aktor, rapper, at professional wrestler ang crush ng ate niya.

Napag-usapan din sa vlog ang iba't ibang paksa gaya ng toxic behavior nila.

MAKI-BALITA: Ivana at Andrea nagsama sa mukbang; Blythe aminadong ‘gantitera’

MAKI-BALITA: Ivana nagpaiyak ng mga lalaki, Andrea, relate-much: ‘Buti nga sa’yo!’

&t=321s