Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda
Nakatanggap na rin ng tig-₱15,000 cash assistance ang mga micro rice retailer sa Quezon City, Marikina at Pasig matapos maapektuhan ng price ceiling sa bigas, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakaalalay ang mga local government ng tatlong lungsod upang masiguro ang kaayusan ng distribusyon ng financial assistance.
Ang pamamahagi ng ayuda ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Matatandaang naglabas ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kamakailan para sa mandated price ceiling sa bigas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito.
Nakapaloob sa kautusan ng Pangulo na bigyang kaagad ng cash assistance ang maliliit na rice retailer na maaapektuhan nito.