Kamakailan lamang, naglabas ng abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) hinggil sa namataan umanong pagbubuga ng Bulkang Taal ng volcanic smog o vog.

Ngunit ano nga ba ang volcanic smog o vog, at anong mga sakit na posibleng makuha mula rito?

Ayon sa Phivolcs, ang volcanic smog o vog ay binubuo ng sulfur dioxide (SO2) gas at ibang volcanic gases, na humahalo sa atmospheric oxygen, moisture, alikabok, at sikat ng araw. 

Nagreresulta umano ito sa hazy mixture o ang napapansing paglabo ng kapaligiran kapag ito ay laganap sa lugar.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Posibleng epekto ng volcanic smog o vog sa kalusugan

Sa hiwalay na ulat ng Phivolcs, inihayag nito na maaaring magdulot ang volcanic smog ng vog ng iritasyon sa mata, lalamunan at ilong, at respiratory tract.

Ang kalubhaan ng epekto ng volcanic smog/vog ay depende sa:

  • Dami o konsentrasyon na nalanghap
  • Haba ng oras ng pagkalanghap nito
  • Kung kabilang sa mga grupong sensitibo rito

Ang mga taong maaaring partikular na sensitibo sa vog ay ang mga sumusunod:

  • Mga indibidwal na may hika, sakit sa baga, o sakit sa puso
  • Mga may edad
  • Mga buntis
  • Mga sanggol o bata

Ayon naman sa United States Geological Survey (USGS), maaaari umanong magdulot ang volcanic smog o vog ng mga sumusunod na karamdaman:

  • Iritasyon sa mata, ilong, lalamunan at balat
  • Pag-ubo at/o plema
  • Paninikip ng dibdib at/o igsi ng paghinga
  • Sakit ng ulo
  • Paglala ng hika
  • Fatigue at/o pagkahilo
  • Naseau

“The long-term health effects of persistent exposure to low concentrations of volcanic SO2 are still being evaluated,” saad din ng USGS.

Paano mapoprotektahan ang sarili mula sa volcanic smog o vog?

Naglabas ang Phivolcs ng health tips kung paano mapoprotektahan ang sarili mula sa volcanic smog o vog.

Ilan na sa mga ito ang pananatili sa loob ng bahay at iwasan, pag-inom ng maraming tubig at pagsusuot ng N95 face mask o gas mask.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Health tips para maprotektahan ang sarili laban sa volcanic smog

Samantala, nilinaw naman ng ahensya na walang kaugnayan ang kasalukuyang aktibidad ng Bulkang Taal sa smog na bumalot sa Metro Manila at mga karatig na lugar nitong Biyernes.

MAKI-BALITA: Smog sa Metro Manila, ‘walang kaugnayan’ sa aktibidad ng Bulkang Taal